Wednesday, December 1, 2010

KATANUNGAN at KASAGUTAN

This past few months I have been reading the very first part of the Bible and came up with a few question especially the creation as there are at least 2 accounts which happened on the 6th day where both male and female were created at probably the same time? with powers or dominion over the other creations.....The other account as most of us know, was the creation of Adam and Eve which happened after God rested on the 7th day. I brought this up to some of my close friends and one of the most interesting response and probably an eye opener to a lot of believers came from Ka Rogelio S. and Ka Dave L. that both has the same answer....I will leave it up to you readers....

KASAGUTAN SA TANONG MO BY KA ROGELIO S.
alam ko lahat tayo naghahanap ng sagot sa katanungan at ang ating paghahanap ng tungkol sa Dios ay walang Hangganan.
well! ito ang sagot ko sa tanong mo.
Sino kamo yong unang nilalang na Babae at Lalake,ito ay si Adan at si Eva. Ang Pangalang Adan ay Kinuha sa 4 na Buntala, at ang Pangalan naman ni Eva ay nanggaling sa tatlong Great rivers.

Ngayon ang Dalawa'y pinagpala ng Dios at silay nagkaanak.

Sa Biblia o BANAL NA KASULATAN ay di palaging binabanggit ang mga Ngalan ng Babae,bagkus mga lalake lamang. Sangayon sa lihim na kasaysayan .si Adan at Eva ay naganak ng dalawang lalake ngunit di binanggit na silay parehong may kakambal na kapatid na babae. kaya ang balak talaga ay mag cross breeding sila. ang kakambal ni Cain ang magiging asawa ni Abel ,at ang kakambal naman ni Abel ang magiging asawa ni Cain. Ngunit sa di nagustuhan ni Cain ang kakambal ni Abel na magiging asawa nya ,Kaya nagseselos si Cain Dahil ang kakambal niya na napakaganda ay mapapangasawa ni Abel at ang Pangit na kakambal ni Abel syang magiging asawa nya. kaya sa pangyayaring yon di niya matanggap na Pangit ang magiging asawa nya,(non palang kapanahunan nila ay may pangit na).kaya ang nangyari pinatay niya si Abel para mapangasawa niya ang kakambal niya.Nagaalay si Cain sa Panginoon ay hindi ito tinanggap sapagkat itong si Cain ay may galit na kay Abel at ang iniisip niya na ang gusto niyang mapangasawa ay ang kakambal niya ,at hindi ang kakambal ni Abel. iyon ang unang pagpatay ng tao sa kapwa. Umalis si Cain at tumira sa loob ng cueva ,na ang tawag ay cave of jewels, dahil sa mga nagkikislapang mga batong hiyas doon. at Si Adan at Eva ay nagkaanak pa ng isang lalake si Seth,na tumira naman sa itaas ng bundok. at silay tinawag na mga anak ng Dios. Sa Biblia ay di gaanong ipinaliwanag ang dahilan kung bakit pinatay ni Cain si Abel na kapatid niya.

PASIMULA
NG HINDI PA YARI ANG LANGIT AT LUPA ,
ANG PANGALANG MARIA SA DIOS INISIP
NA MAGAARUGA AT MAGTATANGKILIK,
SA DIVINO PASTOR NITONG SANGDAIGDIG.

NG GAWIN NG DIOS NA HARING MARANGAL
ITONG BUONG MUNDO NA KANYANG NILALANG.
AY ARAW NG LINGGO NG ITO'Y SIMULAN,
NG CREAVIT SANCTIBUS CLARUM ET TERRAM.

NG KINABUKASAN ARAW NG LUNES, AY SIYANG
PAGGAWA PERMAMENTENG LANGIT,
SAKA NAMAN YAONG LUPA AT ELEMENTONG TUBIG
NA MAYROONG MATABANG ,MAALAT, MAPAIT.

NG ARAW NG MARTES AY SIYANG PAGGAWA,
SARI SARING HAYOP AT HALAMANG MADLA.
YAONG TANANG HAYOP NA NAGSISIGALA,
TALAGA NG DIOS SA TAO'Y BIYAYA.

ARAW NG MIERCULES GINAWANG SARILI,
ANG ARAW AT BUWAN BITUING MARAMI,
YAONG TANANG TALA SA LANGIT PALAMUTI
MAKALILIWANAG NITONG BUONG ORBE.

NG ARAW NG HUEVES ISINUNOD NAMAN
SARI SARING IBON NA NAGLILIPARAN
AT ANG TANGING ISDA SA TUBIG ANG
TAHAN,SA TAO'Y TALAGANG PAKIKINABANGAN.

NG ARAW NG VIERNES ANG SABI SA BANAL NA AKLAT
BILANG IKA ANIM NG ARAW NA HUSTO,
AY SIYANG PAGGAWA'T PAGLIKHA SA TAO,
NUNO NATING ADAN SUMAPARAISO.
SAKA MATAPOS AT NG MABUO NA GINAWANG
LARAWAN SA TAONG ITSURA,
NILAGYAN NG SENTIDOT SANGKAP NA POTENCIA

SAKA HININGAHAN_ _ _ _ _ AY NAGING TAO NA.
SANGAYON SA BANAL NA KASULATAN, YAONG INIHIKAB
PANGALAN NG DIOS, NA KARAPAT DAPAT SA SINO
MANG TAONG MAKAPAG IINGAT NG AKLAT NA ITO AY
IPAGTATAPAT.AMEN.

Marami po ang tataas ang kilay at di makakaunawa sa mga bagay na iyan dahil taliwas dyan ang turo at ipinapalagay ng ibangmga Cristiano, Pero sa tulad nating mga Cristiano masasagot natin kung sino nga ba ang unang dalawang tao na nilalang ng Tatlong Personas. Bakit nakahanap si Cain ng napangasawa ganun din si Set. at noong palayasin si Cain sa Eden malinaw na may ibang mga tao na bukod sa kanila dahil sinabi ni Cain sa Dios "Napakalupit naman ng parusa ninyo sa akin maaaring patayin ako ng makakakita sa akin" Pero sinabi ng Dios na lalagyan niya si Cain ng tanda at paparusahan niya ang gagalaw kay Cain.

Sa katotohanan na lang, Kung paanong nilalang ng Dios ang lahat ng mga bagay na may ibat ibang uri ganun din ang tao. Ka Alex

tama po yang kuwento ni rogelio yan po ang nakasulat sa mga testamento, Ka Dave

wow magic! kakaiba ka talaga! ur the best!!Ka Genrez04

minsan po ay mga tanong na di natin masagot kung biblia lamang ang pag babatayan natin, kaya nga po nag kagulo ang mananampalataya at nag kanya kanyang interpritasyon ng bibliya, ang resulta watak watak na paniniwala at nag kanya kanya at nag ka grupo grupo na halos lahat ay umaakin na sila ang ginabayan ng spirito santo, kaya nga po sa nag hahanap ng katotohanan ay talagang hahanapin natin ang karununngan para naman makamtam natin ang mga sagot na hinahanap natin ..

Ang una pong tanong ay talaga po bang sila lang dalawa ang anak ni adan at ni eba ? sa biblia po ay lumabas na parang sila lang dalawa pero nag taka po tayo kung saan galing yung asawa nya ? at ano ba talaga ang dahilan at pinatay ni cain si abel ? dahil lang ba sa di tinangap ng diyos ang kanyang alay o handog ? o baka may iba pang dahilan ?

Sa testamento ng grand universus architectus doon nyo po makikita ang kasagutan sa mga tanong na yan at dun din po sa misteryo principal unang version. Ka Dave

Mahirap din po sagutin ang mga katanungan na napapaloob dito...Kaya napag-isipan ko na manalangin na lang tayo at baka sakali ay pagkalooban tayo ng malawak na pang-unawa sa paggabay ng Esp. Santo....Siya Nawa..

No comments:

Post a Comment