Sunday, August 8, 2010

MAIKLING KASAYSAYAN part 2

Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas . LIMBOR CALICATAB SANCTO TITAB ET LLAVIS SARAC. Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado : ARAM MANLAPAC MANGGASAC CALINABOC CALICABOC MORTALITAEM SALOCTIL, ALICATAB CALARCAR CATARCAR SANCTO PATER TRITIYO. Ito ang ibubulong mo sa pinto nang makaitlo : RITUIT GARITDIT LARUIT LAYARIT LAMBICUB LARICUB CALICUB.

****(SIMULA SA LIMBOR hanggang CALICUB ay magandang kasama sa pambukas na panalangin)
Nang ang bato ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ginawa ng Tatlong Personas sa langit agad umakyat, tumuntong sa alapaap at sila ay nangag-usap. At kanilang sinasambit yaong wikang matatamis : SANCTUS DEUS, SANCTUS FORTIS, SANCTUS IMMORTALIS sumagot na naman ang boses wika’y MISERERE NOBIS. Pinaghanap na pilit ng tatlong Dios sa langit, kaya’t ang sa Amang sulit hanaping pilit ang boses. Ang Anak ay inutusan na hanaping pagpilitan. Sa kanilang pag-uusap biglang sumipot ang liwanag sa ulunan ng Tatlong Personas at Yaon ang ika-apat. Agad ipinahabol na ng banal na Dios Ama kay Jesus na anak niya di inabot at di nakita. Sa kanilang paghahabulan ang matanda ng abutan doon sa bato OMO ang ngalan matanda’y pumasok kapagpagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang bato ay masarhan sa matandang pinasukan, walang makabukas sinoman . . . Poon kungdi ikaw po lamang . . . , Sabi ng anak na mahal, kita ngayo’y bibinyagan, matanda’y tumugon na ganito ang isinaysay BENEFICAT DOMINUS ANGELIS ENCIELIS DEUS CONSUMATUM EST JERUSALEM DEUS MEUS SPIRITO SANCTO SALVAME CHRISTI. Ang tugon naman ni Jesus : INSILIS DOMINUS NON SOLO DEUS VERBO BENEFICATIS INDIGNUM CRISTUM SANCTORUM MANIBUBULOS SALVAME. Ang sagot naman ng nasa loob ng bato : BENEDICTUS TUIS CRISTO JESUS CONSUMATUM MISIN DEUM INDIGNUM CRISTUS CRISTUS DEUS MEUS INDIGNUM CRISTUM EGOSUM . Ganiyan ang sagot ng nuno sa Apo ng siya’y naroon sa loob ng bato katawa’y malata parang nanlulumo, sa pagkakaupo doon sa bato OMO. Ang Nuno’y ayaw pasakop kaya nagwika si Jesus : EGOSUM MURMURAB MOCTULAN EBOC DINOS . Sumagot naman ang nasa loob: SANCTUS TUI ILLOS ASAUPATER NOBAY SANCTO MEAM SANTO LEAM BIHAB BISAC LAMPAS TALARAPAS ang pinto ay iyong ibukas . LAMBUCANUS . Yaong batong nasasarhan ay bumukas kapagkuan, ang Nuno’y sa itaas nagdaan, kay Jesus ay di namalayan. Ganito naman ang saad sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas at lumabas sa itaas : PATER SANCTO ACAB PATER SANCTO HIRVIL EMUGAN PONTIFICE PILATI OMO USO OMO . Noong lumabas sa bato ang Nunong Infinito, ay kaniya naman tinungo ang masayang Paraiso. Sinundan kapagkaraka, ng banal na Tatlong Persona at doon nila nakita ang liwanag na kaaya-aya. Ng dumating ang Sagrada Pamilia sa pinto ng Paraiso, ay nakatanaw sila ng isang maligayang liwanag na walang katulad, at sa gitna ng nasabing liwanag ay naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang dakila at kamahal-mahalang trono. Nang mamalayan ng Infinito Dios ang ninanais ng Sagrada Pamilia na makalapit sa kanya upang siya’y binyagan, ay agad sinabi ang ganito : CUIVERITATIS VERBUM EGOSUM . Sa winikang ito, ang Sagrada Pamilia ay napatigil at hindi nakatuloy, kaya’t si Jesus ay nagwika naman . Oh makapangyarihang MILAM haring tinatawag ng mga herejes, ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng matalos ng Infinito Dios ang gayong sinabi ni Jesus, ay nangusap naman siya ng ganito: HIPARO DEL RAPTO SIGIT HIPARO SIGIT. Ng ito’y masabi ay biglang naparam sa kanilang mga mata yaong maligayang liwanag, sampu ng Infinito Dios ay hindi nila nakita, kaya’t muling nagwika si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM haring pinopoon at Dios ng mga herejes , ako ang ikalawang Persona na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng ito’y marinig ng Infinito Dios ay biglang nagtindig sa kanyang pag-upo sa luklukang trono at habang siya’y lumalakad ay ganito ang sinasabi : SARJAS GUIMPAS RATAL MACAGUIMPAS SUPLENT SALVATOR . Naramdaman ng Sagrada Pamilia na ang Infinito Dios ay lumabas sa Paraiso ngunit hindi nila nakikita kingdi naririnig lamang nila ang yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi nakasunod agad, ngunit ng kanilang sundan ay nakasapit na ang Infinito Dios sa bundok ng Boor. Ng sila’y dumating sa nasabing bundok, ay nabasa nila na nakasulat sa mga dahon ng kahoy ang dalawang letra na L......M.... at ang Infinito Dios ay nakapasok na sa loob ng nasabing bundok. Sa ganito ay nagsalita na naman si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM hari ng mga Herejes, ako ang abang san pascual naparito sa iyo upang ikaw ay binyagan. Ang Infinito Dios ay sumagot: MAIGSAC EIGMAC . Sa winikang ito ay nalinlang ang paningin ni Jesus at hindi niya makita ang Infinito gayong nasa tabi lamang niya, kaya’t si Jesus ay nagwika ng ganito: HUGARE NUGHUM . Sa winikang ito ni Jesus ang Infinito Dios ay biglang sumuling-suling at hindi maalaman ang kanyang patutunguhan ngunit siya’y hindi hiniwalayan ni Jesus at siya’y sinundan at pinaki-usapan na pabinyag upang maging binyagan at maraming bagay ang ipinangako ni Jesus sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag..........itutuloy

7 comments:

  1. sundan ko po ang kwento nyo.. satotoo lang bata pa po ko.. 16 years old.. pero gustonggusto ko pong mag basa ng mga karunungan.. ng dios.. sana po tuloy nyo.. hangagng sa ng magbangon ang panginoong jesus..

    ReplyDelete
  2. WALA NA YATANG LIHIM NA KARUNUNGAN NGAYON, PURO INIHAYAG NA NG MGA ANTINGERO NGAYON. TSK TSK TSK

    ReplyDelete
  3. @ka DivinoSecreto
    meron parin po...iyon pong mga nakatago po ninyo..

    ReplyDelete
  4. lolo, kelan nyo po dugtungan ang kwento nyo sa maikling kasaysayan part 2??? gus2 q na po malaman at mabasa ang susunod na kkasaysayan...
    sana po ay masundan nyo po agad...
    leemhadz@yahoo.com
    mhadz_lee09@yahoo.com.ph

    ReplyDelete
  5. oo nga po...gusto ko din update...kung pwede?

    ReplyDelete
  6. ako din sa aking pananaw wala ng lihim ngayon puro na puro na hayag ...cguro ang aking palagay may roon din akung napagtanungan na mangaalam din ito na ang takdang panahon para ang mga bagay na iyan ay pagaralan.dahil kung ano anu na ang nangyayari sa mundo,at sinabi din niya sa akin na ito ang pinaka mabisang gamot at mabisang sandata pagdating ng paghu2kom dahil ang mga salita dito ay ang kanyang ginamit ng panahong yaon...kaya ang maganda pagaralan ang kanyang mga banal na salita.kaya sana ay may tumulong din sa akin kung ano ang ibig sabihin nito...B......M S.....M S.....M N......M VES S...E DEUS DE LOS E....S S...M I...P HUM + S...T + D...M E...M PRE ET J...N L...S T...T D...E R...B P....S B..O R...B N...P+

    ReplyDelete
  7. Ito ang ibubulong mo sa pinto nang "makaitlo" ? tama po ba yung makaitlo?anu po ibig sabihin niyon?

    ReplyDelete