Ang mga nilalaman ng blog na ito ay ang iba't ibang aralin na nabasa at nakopya ko sa mga kapatid na kusang loob na mamahagi ng kanilang kaalaman...Pasintabi po doon sa mga marurunong at kung kayo po'y may nakitang taliwas sa inyo pong kaalaman ay pakituwid lang po sa comments section.....Hindi po ako "nakapag-aral" at wala ako kahit isang libro, kaya wala po akong kakayahan na magturo... sana'y makatulong ito sa inyong paghahanap....
Tuesday, August 31, 2010
ANG DALAWAMPU'T APAT NA MATATANDA
Dumating ang panahon na ang Diyos ay nag-umpisa ng lumikha ng mga naisip niyang mga bagay tulad ng Langit na kanyang magiging luklukan, daigdig na magiging tuntungan ng Kanyang mga paa at iba-iba pang mga bagay sa kalangitan at sansinukob.Lumikha ang Diyos ng magiging katulong sa kanyang mga gagawin. Nagsalita ang Diyos ng ganito: “AGAHAC JIRIUM JIURJITNUM JIURJITSUM JACJAHAHAC ROGOTAC YOPALUM MEDERAT INEHATISET CORPUS SIOMBENET”, pagkasabi’y biglang may mga butil ng pawis na lumitaw sa bandang kanan ng Kanyang noo at ito'y Kanyang hinaplos ng kanang hinlalatong daliri, at ang mga butil ng pawis ay naging labing-anim na mga espiritu na kahalintulad ng Diyos ang mga hitsura nito. Nag-isip muli ang Infinito Diyos, at sa ilang sandali pa'y nagsalita uli ng ganito: “LUCJINUM”.Nang ito'y mabigkas, may mga butil ng pawis na lumitaw sa bandang kaliwang noo ng Diyos, at nang ito'y haplusin ng Kanyang kaliwang hinlalatong daliri, ang mga butil ng pawis na ito ay naging walong espirito na gaya din ng Kanyang kaanyuhan. Sa mga kahiwagang ito, ang 24 Ancianos ay nabuo.
Ang 24 na mga espiritong ito ay siyang mga naging katulong ng Diyos sa lahat ng Kanyang paglikha sa buong sansinukob tulad ng paglikha ng tao. Ganito ang nakasulat sa Biblia: Genesis 1:26, sinabi ng Diyos: “NGAYON, LALANGIN NATIN ANG TAO AYON SA ATING LARAWAN”. Sila ang mga kasama ng Diyos nang likhain ng mga ito ang tao.
Ayon sa lihim na karunungan, ang pangalan ng mga hinlalatong daliri ng Diyos na ginamit sa paghaplos ng mga butil ng pawis na naging 24 espiritu, at kung iyong malaman, kailanman ay hindi ka dadanas ng paghihirap sa kabilang buhay. Kaya ang pangalang iyon ay itinago sapul ng ito'y ipinahintulot ng Diyos na makarating sa kaalaman ng tao.Ang pangalan ng kanang hinlalatong daliri ay: “MEPHENAI at sa kaliwang hinlalatong daliri naman ay “JPHATON.” Mapalad ang sino mang mag-iingat ng mga pangalang ito dahil kilalanin siya ng Panginoon sa panahong darating.
Ang 24 Ancianos ay binigyan ng Diyos ng kanya- kanyang mga pangalan at tungkulin, na kung hahalungkatin ang tagong kasaysayan ang mga ito'y nagtatangan ng mahiwagang kapangyarihan. Ito ang kanilang mga pangalan: UPH MADAC, ABO NATAC, ELIM, BORIM, MORIM, BICAIRIM, PERSALUTIM, MITIM, AMALEY, ALPACOR, AMACOR, ALPALCO, ALCO, ARAGO, AZARAGOE, LUXBEL, ISTAC, INATAC, ISLALAO, TARTARAO, SARAPAO, MAGUGAB, MARIAGUB at MAGUB. Ang mga ito ay ang pinakaunang pangalan ihinayag . Maliban dito ay marami pang ibang pangalan na ginamit sa bawat paglalang ang 24 Ancianos.
Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o gawain ng mga tao sa lupa ito'y maging tama o maging mali man, kaya ang mga kasalanan ng tao ay walang ligtas sa Panginoon dahil dito. Sa Apocalipsis ni Juan o Pahayag 11:16 ay nabanggit ang 24 Ancianos at sinasabi: "AT ANG 24 NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA HARAPAN NG DIYOS AY NANGAGPATIRAPA AT SUMAMBA SA KANYA."
MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS
1. UPH MADAC - Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras pagkaran ng hating Gabi siya ang nagdesinyo ng Araw sang-ayon ng tungkuling ibinigay sa kanya ng Infinito Diyos. Gumawa siya ng maraming desinyo at ito'y inipresenta niya sa kanyang mga kasamahan at sa Panginoon, at pumili sila at napagkaisahan nilang lahat ang hugis o hitsura ng araw na siyang nagbibigay liwanag sa mundo sapul pa noon hanggang sa kasalukuyanat sa darating pang panahon.
2. ABO NATAC - Ito ang pangalawang espirito ang siyang gumawa ng desinyo upang magkaroon ng Buwan na siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa panahon ng gabi. Ganoon din ang ginawa niya, marami ring nilikha at ang mga ito'y inilahad sa kanyang mga kasamahan at sa Infinito Diyos, at kanilang napagkaisahan ang porma ng buwan na nasa kasalukuyan ngayon.
3. ELIM - taga pagbantay sa alas tres ng umaga hanggang 3:59 AM
4. BORIM - taga pagbantay sa alas 4:00AM hanggang 4:59 AM
5. MORIM - taga pagbantay sa alas 5:00AM hanggang 5:59AM
6. BICAIRIM - taga pagbantay sa alas 6:00AM hanggang 6:59AM
7. PERSALUTIM- taga pagbantay sa alas 7:00AM hanggang 7:59AM
8. MITIM- taga pagbantay sa alas 8:00AM hanggang 8:59AM
******Ang mga espiritong ito ay hindi tumanggap ng iba pang katungkulan. Ang kanilang ginawa ay ang paglagalag lamang labas pasok sa mundo, at maging taga pagbantay ng Diyos
9. AMALEY - Ito ang pangulo at unang ministro ng mga mandirigmang arkangeles. Siya si San Miguel Arcanghel Sa kanyang balikat nakasalalay ang pakikipaglaban sa mga masasama upang magkaroon ng katiwasayan sa lupa at sa langit man. Si San Miguel ay nakatalagang taga pagbantay sa alas 9:00AM hanggang 9:59AM sa bawat araw, Siya rin ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya Siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito upang maiiwasan ang ano mang sakuna o mga pangyayaring hindi mangyari. Siya rin ang espiritong tagahatid balita at mensahero ng Infinito Diyos sa buong kalangitan. Ito ang panawag kay San Miguel: ESTO MIHI BALTEUS ET DAMIHI PRODEO ET IN DEO MORI.
10. ALPACOR – Ito ang ginagawang kalihim ng Siete Arkanghelis sa buong sansinukob, Siya si San Gabriel na kung saan ay tagatala sa lahat ng nakatagong kababalaghan sa buong sanlibutan at kalawakan.
Si San Gabriel ang taga pagbantay sa alas 10:00AM hanggang 10:59AM sa bawat araw, Siya rin ang tagapagbantay sa bawat araw ng Lunes, kaya sa mga nakakaalam nito, mabuti daw siya ang tawagan sa araw na ito upang maligtas sa lahat na kapahamakan. Ito ang panawag kay San Gabriel, ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDEMEM IMPARTIENDO.
11. AMACOR – Ito ang prinsipe ng anghel na hukom at siya rin ang nagbibigay sa biyayang pangkalangitan na kung saan ay siya rin ang Mayordomo ng Infinito Diyos. Ang anghel na ito ay kilalang-kilala sa pangalang San Rafael, siya ang tagapagbantay sa oras na alas 11:00AM sa bawat araw at Martes naman ang kanyang binabantayan na araw sa bawat lingo. Siya ang dapat tawagin sa araw na ito para sa kaligtasan sa mga kapahamakan. Ito ang panawag kay SanRafael: ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORISE ET ANIMAE.
12. APALCO – Ito ang anghel na ginawang Hustisya Mayor sa langit. Ppunong Tagapamahala sa mga bagay pangkalangitan at tagapag-rekomenda sa Diyos ng kaparusahan na dapat gagawin, Siya rin ang taga-bigay ng karunungan upang magagamit ang kaluluwa at katawang lupa ng tao. Ang anghel na ito ay nakikilalang si San Uriel na nakatalaga sa pagbabantay sa oras ng alas 12 ng tanghali at siya rin ang tagapagbantay sa mga araw ng Mierkules, kaya dapat siya tatawagan sa araw na ito upang maligtas sa ano mang sakuna. Ito ang panawag kay San Uriel. ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR.
13. ALCO – Ito ang espiritong taga-hain o taga-panalangin sa Diyos ng ano mang magaling na gawa ng tao, siya rin ang tumatanggap at tagapagbigay-alam sa makataong pangangailangan, patungkol sa Diyos. Ang anghel na ito ay si San Seatiel na siyang bantay sa araw ng Huebes at oras na tuwing ala una ng hapon araw-araw, kaya dapat siya ang tawagan sa araw na ito: Ito ang panawag kay San Setiel: LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORIUM MIHI PULCRUM.
14. ARACO – Ito ang espiritong ginawang ingat-yaman at biyaya. Siya ang humahawak ng susi upang maibigay ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang anghel na ito ay si San Judiel, ang taga biyaya at tagapagkaloob ng awa ng Diyos. Siya rin ang naatasang magbabantay sa araw ng Biernes, kaya siya dapat ang tawagan sa mga araw na ito. Ito ang panawag kay San Judiel: CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM ESTO MIHI UMBRACULOM ET FACME ISSIDUM INCOMPETENDO DOMINO.
15. AZARAGUE – Ito ang espiritong tagapag-alaga ng Langit at Lupa, at siya ang taga tulong at taga-ampon sa lahat na espiritong nasasakupan ng Infinito Diyos. Siya si San Baraquiel ang bantay sa oras ng alas 3 ng hapon sa bawat araw at naatasang magbabantay din tuwing araw ng Sabado, kaya siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito. Ito ang panawag sa kay San Baraquiel: AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE OBTI MIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPARARE A DEO.
Si San Baraquiel ay ang pinakahuli sa Siete Arkanghelis na kilalang pitong mandirigma ng Diyos Ama.
16. LUXBEL – Ang espiritong ito ay ang pinakabunso sa mga espiritong unang gawa ng Infinito Diyos. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Liwanag ng Langit” dahil siya ang pinakamalapit sa Diyos. Nang ang Diyos ay mag-umpisa na ng kanyang paglalang, bininyagan siya ng pangalang BECCA, subalit sinuway nito ang Infinito Diyos kaya pinangalan siya nito muli ng LUXQUER o LUCIFER. Ang kasaysayan ni Lucifer ay matutunghayan sa isang aklat na pinamagatang DIEZ MUNDOS (Sampung Planeta). Sa aklat na ito ay matatagpuan ang iba-ibang uri ng bawal na karunungan gaya ng pangkukulam, malik mata, pang-gagayuma at marami pang iba.
17. ISTAC -taga pagbantay sa alas 5:00PM hanggang 5:59PM
18. INATAC- taga pagbantay sa ala 6:00PM hanggang 6:59PM
19. ISLALAO -taga pagbantay sa ala 7:00PM hanggang 7:59PM
20. TARTARAO -taga pagbantay sa alas 8:00PM hanggang 8:59PM
21. SARAPAO –taga pagbantay sa alas 9:00PM hanggang 9:59PM
Ang limang espiritong ito ay hindi binyagan at hindi tumanggap ng tungkulin. Nang ang Panginoong Jesucristo ay kasalukuyang nakabayubay sa krus,lumapit sila upang magpabinyag, nguni't hindi na nangyari dahil sa mga oras na iyon ang ating Panginoon Jesus ay nalagutan ng kanyang hininga.
Ang huling tatlo ay ang SANTISIMA TRINIDAD Sila ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak at Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG MGA BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami kahit kulang ang kanilang kaalaman tungkol dito.
22. MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang DiosAma, hindi siya ang Infinito Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Dios Ama. Siya ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gaya ng iba-ibang uri ng mga lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao.Siya ang taga pagbantay sa alas 9:00PM hanggang 9:59PM.
23. MARIAGUB – Ang espiritong ito ang pangalawang persona sa Santisima Trinidad, taglay niya ang kabuuan ng Dios Anak at ang kapangyarihan sa pag ganap sa mga misteryong ginawa ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong sumakatawan upang maligtas ang bawat nilalang na tumanggap at mananpalataya sa Kanya.Siya ang taga pagbantay sa alas 10:00PM hanggang 10:59PM.
24. MAGUB – Ito ang pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo, siya ang gumanap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa kasalukuyan. Dahil sa kanyang kapangyarihan ay nabubuo at natutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao. Siya ang taga pagbantay sa alas 11:00PM hanggang hatinggabi o 12:00MN....itutuloy
DAGDAG LANG PO*******
alas L.M. - gandang umaga po sa lahat,,,,tanung ko lang po tungkol sa 24 ancianos saan po gamit ang mga ito?at merun din po ba na 24 matatandang babae?anu po ba ang mataas na grado na maaaring ilaban sa kaitiman....di po kaya maka epekto sa aking pamilya kung akoy gagamot ng spiritual>?salamat po .
sanfra Cisco - Lahat tayo ay biniyayaan at kakayahang manggamoKailangan lamang ng sakripisyo
at pagtawag sa kanilaPag nabuksan na ang iyong diwa handa ka bang maglingkod sa bayan
Panggagamot pamilya o ang katungkulan mo?
Ang antas ay napagsasanayan sa 24 ancianos isa lang ay mabigat na
pandakaking itim - ang isa sa gamit ng 24 ancianos ay pambakod sa sarili at maging sa looban man ng bakuran
doble trese -medyo marami po ang nakikita nating grupo ng 24 ancianos. bawat grupo po ata ay may kanya kanyang kakayahan. pero ang tanong po ay paano sila pagagalawin?
sanfra Cisco - Tulad po ng 7 Arkangeles
May kanya kanyang debusyon at panawagan at meron din pong isang Hukbo na sila
Maganda po ay matukoy ang pinagmulan o ang mga nakapagtangan na nito
Maaring isang tao sa bawat isa pangalan ng 24 ancianos o mga anghel
nekros nihon -hello sa lahat!! nagpaparamdm lang..
may sitas po sa revelation kung saan tinutukoy ang 24 ancianos..ang mga pngalan nila kung isusulat sa pamamagitan ng sinturon o kayay nakapulupot sa inyo ay mabisa din pong pangprotection sa araw araw lalo na at may lakad kayong importnte o mahalaga sa inyong buhay.subok po ito.
********
maraming salamat po doon sa mga nagbigay ng kaunting paliwanag.....kahit walang pahintulot...
Sunday, August 8, 2010
MAIKLING KASAYSAYAN part 2
Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas . LIMBOR CALICATAB SANCTO TITAB ET LLAVIS SARAC. Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado : ARAM MANLAPAC MANGGASAC CALINABOC CALICABOC MORTALITAEM SALOCTIL, ALICATAB CALARCAR CATARCAR SANCTO PATER TRITIYO. Ito ang ibubulong mo sa pinto nang makaitlo : RITUIT GARITDIT LARUIT LAYARIT LAMBICUB LARICUB CALICUB.
****(SIMULA SA LIMBOR hanggang CALICUB ay magandang kasama sa pambukas na panalangin)
Nang ang bato ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ginawa ng Tatlong Personas sa langit agad umakyat, tumuntong sa alapaap at sila ay nangag-usap. At kanilang sinasambit yaong wikang matatamis : SANCTUS DEUS, SANCTUS FORTIS, SANCTUS IMMORTALIS sumagot na naman ang boses wika’y MISERERE NOBIS. Pinaghanap na pilit ng tatlong Dios sa langit, kaya’t ang sa Amang sulit hanaping pilit ang boses. Ang Anak ay inutusan na hanaping pagpilitan. Sa kanilang pag-uusap biglang sumipot ang liwanag sa ulunan ng Tatlong Personas at Yaon ang ika-apat. Agad ipinahabol na ng banal na Dios Ama kay Jesus na anak niya di inabot at di nakita. Sa kanilang paghahabulan ang matanda ng abutan doon sa bato OMO ang ngalan matanda’y pumasok kapagpagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang bato ay masarhan sa matandang pinasukan, walang makabukas sinoman . . . Poon kungdi ikaw po lamang . . . , Sabi ng anak na mahal, kita ngayo’y bibinyagan, matanda’y tumugon na ganito ang isinaysay BENEFICAT DOMINUS ANGELIS ENCIELIS DEUS CONSUMATUM EST JERUSALEM DEUS MEUS SPIRITO SANCTO SALVAME CHRISTI. Ang tugon naman ni Jesus : INSILIS DOMINUS NON SOLO DEUS VERBO BENEFICATIS INDIGNUM CRISTUM SANCTORUM MANIBUBULOS SALVAME. Ang sagot naman ng nasa loob ng bato : BENEDICTUS TUIS CRISTO JESUS CONSUMATUM MISIN DEUM INDIGNUM CRISTUS CRISTUS DEUS MEUS INDIGNUM CRISTUM EGOSUM . Ganiyan ang sagot ng nuno sa Apo ng siya’y naroon sa loob ng bato katawa’y malata parang nanlulumo, sa pagkakaupo doon sa bato OMO. Ang Nuno’y ayaw pasakop kaya nagwika si Jesus : EGOSUM MURMURAB MOCTULAN EBOC DINOS . Sumagot naman ang nasa loob: SANCTUS TUI ILLOS ASAUPATER NOBAY SANCTO MEAM SANTO LEAM BIHAB BISAC LAMPAS TALARAPAS ang pinto ay iyong ibukas . LAMBUCANUS . Yaong batong nasasarhan ay bumukas kapagkuan, ang Nuno’y sa itaas nagdaan, kay Jesus ay di namalayan. Ganito naman ang saad sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas at lumabas sa itaas : PATER SANCTO ACAB PATER SANCTO HIRVIL EMUGAN PONTIFICE PILATI OMO USO OMO . Noong lumabas sa bato ang Nunong Infinito, ay kaniya naman tinungo ang masayang Paraiso. Sinundan kapagkaraka, ng banal na Tatlong Persona at doon nila nakita ang liwanag na kaaya-aya. Ng dumating ang Sagrada Pamilia sa pinto ng Paraiso, ay nakatanaw sila ng isang maligayang liwanag na walang katulad, at sa gitna ng nasabing liwanag ay naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang dakila at kamahal-mahalang trono. Nang mamalayan ng Infinito Dios ang ninanais ng Sagrada Pamilia na makalapit sa kanya upang siya’y binyagan, ay agad sinabi ang ganito : CUIVERITATIS VERBUM EGOSUM . Sa winikang ito, ang Sagrada Pamilia ay napatigil at hindi nakatuloy, kaya’t si Jesus ay nagwika naman . Oh makapangyarihang MILAM haring tinatawag ng mga herejes, ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng matalos ng Infinito Dios ang gayong sinabi ni Jesus, ay nangusap naman siya ng ganito: HIPARO DEL RAPTO SIGIT HIPARO SIGIT. Ng ito’y masabi ay biglang naparam sa kanilang mga mata yaong maligayang liwanag, sampu ng Infinito Dios ay hindi nila nakita, kaya’t muling nagwika si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM haring pinopoon at Dios ng mga herejes , ako ang ikalawang Persona na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng ito’y marinig ng Infinito Dios ay biglang nagtindig sa kanyang pag-upo sa luklukang trono at habang siya’y lumalakad ay ganito ang sinasabi : SARJAS GUIMPAS RATAL MACAGUIMPAS SUPLENT SALVATOR . Naramdaman ng Sagrada Pamilia na ang Infinito Dios ay lumabas sa Paraiso ngunit hindi nila nakikita kingdi naririnig lamang nila ang yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi nakasunod agad, ngunit ng kanilang sundan ay nakasapit na ang Infinito Dios sa bundok ng Boor. Ng sila’y dumating sa nasabing bundok, ay nabasa nila na nakasulat sa mga dahon ng kahoy ang dalawang letra na L......M.... at ang Infinito Dios ay nakapasok na sa loob ng nasabing bundok. Sa ganito ay nagsalita na naman si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM hari ng mga Herejes, ako ang abang san pascual naparito sa iyo upang ikaw ay binyagan. Ang Infinito Dios ay sumagot: MAIGSAC EIGMAC . Sa winikang ito ay nalinlang ang paningin ni Jesus at hindi niya makita ang Infinito gayong nasa tabi lamang niya, kaya’t si Jesus ay nagwika ng ganito: HUGARE NUGHUM . Sa winikang ito ni Jesus ang Infinito Dios ay biglang sumuling-suling at hindi maalaman ang kanyang patutunguhan ngunit siya’y hindi hiniwalayan ni Jesus at siya’y sinundan at pinaki-usapan na pabinyag upang maging binyagan at maraming bagay ang ipinangako ni Jesus sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag..........itutuloy

Subscribe to:
Posts (Atom)