Thursday, August 18, 2011

NUMEROS MAHIKOS

GALING SA MAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM
1. Pagkilala ng kapalaran o hantungan ng isang tao sa pamamagitan ng NUMEROS MAHIKOS at 22 ARKANO. Ang ibig sabihin ng ARKANO ay isang kalihimang tago na may kimkim na iniu-ulat sa kabuhayan at hantungan ng mga tao.

NARITO ANG MGA KATITIKAN NG GULONG NI PINTAGOS

A-1     G-10    M-19     S -20
B-2     H-28     N-26     T -6
C-4     I-15      O-28     U - 9
D-5     J-15     P-77      V- 9
E-3     K-16    Q-27     W -12
F-8     L-21     R-11     Y-50     Z-70

At narito naman po ang 22 ARKANO ng aklat ni Thot at ng kanyang pangalan at kahulugan:

1. ALEF- Kasanayan,katusuhan,diplomasya.
2. BETH- Mga kalihiman,kahiwagaan.
3. SHIMEL- Pagpaparami,pagtubo,kasariwaan,katalinihan.
4. DALETH- Kapangyarihan,kalagayang matatag.
5. HE- Karunungan,pagdidiwa,mapaglikha.
6. VAU- Pag-ibig,kagandahan,mapang-akit.
7. ZAIN- Abulo,tulong ng langit.
8. HETH- Katarungan,pagtatapat.
9. TETH- Kabaitan, pananampalataya.
10. JUD- Gulong ng palad,hantungan.
11. CAF- Lakas ng diwa,masigla,mapaggawa.
12. LAMED- Pagtalima,gawa,paghihirap.
13. MEM- Pagkamatay,pagkasira,pagkawala.
14. NON- Pagpapalit,pagkakapihitpihit.
15. SAMECH- Di masayod na kalakasan.
16. HAIN- Pagkalubog,biglang kapamahakan.
17. PE- Ang langit,kapalaran,pag-asa.
18. TSADE- Ang tubig,kadiliman,pangingilabot.
19. CAF- Kaliwanagan,apoy,pagpapakilala.
20. RESH- Kaguluhan,balita,kaingayan.
21. SNHIN- Magulong pag-iisip kaululan,himdi timbang.
22. TAU- Katutuhan,kaganapan,lahat kay bathala.

PALIWANAG: Ang pangalang Jose Rizal ay may 9 na letra o katitikan, kung hahalagan ng mga sinasabi ng mga ARKANO ay makikita natin sa kabilangan ng 9 itong sumusunod:

TETH- Kabaitan,Pananampalataya o religion. Ang ibg sabihin ay siyay mabait sa buong kabuhayan, ngunit siyay mapapalungi sa pananampalataya o religon. Ating pong ganapin ang pagtarok ng kalihimang ito.

HALIMBAWA kay JOSE RIZAL

J-15          R -11
O-8           I -15
S-20         Z -70
E-3          A -1
                L -21
TOTAL=46   +    118      
TOTAL=164
Kung pagtitipunin nating sumahin ang dalawang kabuoang ito ay lumalabas na 164 ay malaki ang bilang sa 22 arkano ni Thot ay dapat na gawin ang ganito:
164=1+6+4=11. Ang numerong 11 ay matutunghayan na sa 22 arkano ni Thot at ang nagsasaad ay ganito:
CAF- Lakas ng diwa, masigla, mapaggawa. Ang kinalalabasan nito ay nangangahulugan na si jose rizal ay may malakas na diwa,Sagisag ng mga marurunong.ng mga manunubos,likas na masigla sa ano mang isipin at mapaggawa sa maraming bagay na kanyang ikatatanghal o ikakapahamak.